Wednesday, April 28, 2010

Sana Nga.



"Pwede bang tayo na lang ulit?"
"Pwedeng ako na lang ulit?"
"Kasi parang di ko kaya eh." -Hindi nga yata talaga. :|

"Sana hindi na lang tayo nagkakilala."

Everything's borrowed from Marcelo Santos' III Love Stories on Videos entitled Falling Star.

Paano nga kaya kung hindi kayo nagkakilala? Kasi hindi mo naman sinadyang makilala siya, masaya ka naman noon nung hindi mo pa siya nakikilala diba? [From Marcelo Santos again] Siguro, ibang-iba. Ibang-iba sa nararamdaman mo ngayon. Ibang-iba sa mga pangyayari. Ibang-iba siguro ang sakit. Baka sakaling mas masaya ka pa nga eh.

Pero naisip mo ba na kung hindi siya dumating sa buhay mo, hindi ka matutong masaktan. Maramdaman kung paano nga yung sinasabi nilang 4 letter word? Magdilang anghel para sa kanya. Maging "girlfriend" niya pansamantala. Ang punto ko, wala ka namang dapat pagsisihan eh. :( Kahit niloko ka pa ng sanlaksang lalaki sa mundo, may matitira pa ring isang lalaki na itatayo ka sa pagkabagsak mo. Promise yun.

Sa ngayon, tanggapin mo na lang na kung magiging kayo, kayo.
Kung hindi, hindi. 'Wag na natin ipilit. Palibhasa kasi ang tao hindi matutong tanggapin na lang kung anong meron. Pero hindi ibig sabihin na dito na nga nagtatapos ang lahat. For the meantime ika nga. :)


No comments: