Saturday, October 23, 2010

"Daya mo."

Kung sabihin ko mang pupunta ako, hindi ko sigurado kung handa akong makita.
(At may dahilan ako para diyan. Hindi ko lang alam kung magandang dahilan nga ba.)
Kasi pinapalabas mo bang gusto mo akong makita?
O gusto mo lang na informed kang pupunta ako?
Kung yung pangalawang rason lang din, mabuti pang hindi ko na nga lang sinabi.

Sa huli, kailan ko ba sinabing pupunta ako kung hindi naman talaga ikaw ang pakay ko? Nagbabakasakali lang din naman ako, na baka, baka this time, may fate.


No comments: