Saturday, April 24, 2010

Kung May Isang Araw Pa Tayo Sinta...

Ano kayang gusto mong itawag sa'yo ng BF/GF mo o kaya ng asawa mo? Yung iba gusto nila irog, mahal, hunny, honey, babe, baby, love, sweetheart... Lahat na siguro na katulad niyan, nagamit na. Pero may nag-iisang salita na nakatawag talaga sa aking pandinig nang ako ay nasa unang baitang na hayskul. Mayroon akong kamag-aral na gusto siyang tawaging "Sinta" kung sakaling pipili siya ng pangalang maka-Pilipino ang tunog at baybay, Simula noon, nabighani na nga siguro ako na matawag ding "Sinta."

Oo na, aminado naman ako, corny kasi. =)) Pero sa totoo lang, matawag niya nga lang ako sa pangalang "Elka," there's something in the way he calls my name. Siguro ang boses niya, baka ang bagsak ng tunog ng kanyang boses 'pag tinatwag ako. O marahil dahil minsan lang naman niya akong tawaging "Elka." :">

Ito ang song of the day, ahaha! Ito'y halaw sa isang episode ng Maynila, GMA TV show:


Kung ano man ang gusto mong itawag sa'yo, wala nang pakialam ang mundo.

Kaya sagutin mo na lang 'to sa isip mo...
Kung may isang araw pa tayo sinta...

...hindi na kita iiwan, paaasahin, sasaktan, o susungitan. :)

May isa pa akong naisip kaso parang imposible namang mangyari.
...HINDI NA AKO UUWI SA AMIN. =)) AHAHAHA! -
Eh kasi naman, minsan na nga lang tayo magkita. Sa minsang iyon, never was there a dull moment. Weener! Winner!



2 comments:

Sam said...

elkaaaa. yehess naman sinta! ;;)

Elka said...

Sam! Hindi ko pa nababasa mga entries mo. :( Puro kasi ako post ng post, ahaha!

Haha, Sinta! Winner yun!